COVID-19 Bakuna
Narito na Bakuna Laban sa COVID-19
Ang bakuna ay isa sa pinakamahahalagang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang bakuna ay magagamit sa lahat ng 6 na buwan at mas matanda. Makukuha mo ang bakuna sa mga tanggapan ng doktor, klinika, parmasya, o site ng komunidad.
Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, nakakatulong ka sa iyong kalusugan, sa kalusugan ng mga mahal mo sa buhay, at sa iyong komunidad. Ang bakuna at iba pang hakbang, tulad ng mga mask at social distancing (pagpapanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakang layo mula sa mga taong hindi mo kasama sa tirahan), ang magpapabagal sa pagkalat ng COVID-19.v
Paano Makakuha ng Appointment sa Bakuna para sa Mga Miyembro ng SFHP
Ang lahat ng miyembro ng SFHP ay maaaring mag-iskedyul ng appointment sa pamamagitan ng pagtawag sa
1(415) 615-4519 nang weekday mula 8:30am – 5:00pm
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 sa San Francisco, mag-click dito.
Ang pagpapabakuna sa bahay ay isang opsyon kung mahirap para sa iyo na pumunta sa lugar ng bakuna. Magtanong kung interesado.
Kung may anumang tanong ka tungkol sa bakuna at sa iyong kalusugan, mangyaring makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP). Ang iyong PCP ay ang doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Kung gusto mo ng tulong sa paghahanap ng numero ng telepono ng iyong provider ng pangunahing pangangalaga, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800 tuwing weekday mula 8:30am – 5:30pm.
Bakuna sa COVID-19 para sa mga Batang Wala Pang 5 Taon
Inirerekomenda ng CDC na ang mga batang 6 na buwan at mas matanda ay makakuha ng bakuna sa COVID-19.
Makakatulong ang bakuna na mapigilan ang malubhang pagkakasakit ng iyong anak kung magkakaroon siya ng COVID‐19 at makakatulong ito para maiwasang mahawahan niya ng COVID‐19 ang ibang tao. Makakatulong ang bakunang ito na protektahan ang iyong buong pamilya at komunidad.
- Ligtas ang bakuna batay sa mga klinikal na pagsubok.
- Maaaring hindi magkaroon ng mga side effect ang iyong anak. Maaaring magkaroon ang ilang tao ng ilang bahagyang side effect, na mga karaniwang senyales na bumubuo ng proteksyon ang kanilang katawan. Ang pinakakaraniwang side effect mula sa bakuna ay pananakit ng braso. Kung minsan, maaaring makaranas ang isang tao ng pananakit ng ulo o lagnat, pero dapat ding mawala ang mga ito sa loob ng ilang araw. Tumawag sa Provider ng Pangunahing Pangangalaga ng iyong anak kung makakaranas siya ng matitinding allergic reaction, na bihirang mangyari.
- Sa pamamagitan ng pagkuha ng bakuna, mas magiging madali para sa iyong anak na maglaro ng sports, pumunta sa mga pagdiriwang, at gumawa ng iba pang bagay na maaaring nangangailangan ng katibayan ng bakuna.
- Kakailanganin ng magulang o legal na tagapag-alaga na pahintulutan ang bakuna, sa panahon man ng pagpapa-appointment o sa pagpapabakuna maliban sa ilang partikular na limitadong sitwasyon.
Upang malaman pa ang tungkol sa bakuna laban sa COVID-19 sa San Francisco, mag-click dito.
Paano mag-set up ng appointment para sa bakuna laban sa COVID-19 para sa iyong anak:
- Tumawag sa amin! Para mag-set up ng appointment, mangyaring tumawag sa hotline para sa SFHP COVID-19 vaccine sa 1(415) 615-4519 Lunes-Biyernes mula 8:30am – 5:00pm.
- Makipag-usap sa Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ng iyong anak kung may mga tanong ka. Ang PCP ay ang doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor na nangangasiwa sa pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak. Nakalista ang PCP sa member ID card ng iyong anak.
- May mga bakuna para sa mga bata ang mga paaralan, drop-in na klinika, at parmasya. Bumisita sa website ng Lungsod at County ng San Francisco o tumawag sa call center para sa SFDPH COVID-19 vaccine sa 1(628) 652-2700 upang maghanap ng lugar kung saan magpapabakuna sa San Francisco. Maaari din silang mag-set up ng appointment o tumulong na makapagpabakuna ka sa bahay.
Mga Booster na Bakuna Laban sa COVID-19
Maaari na ngayong magpaturok ng na-update na bivalent na booster na bakuna ang mga edad 6 na buwan pataas!
Noong Abril 19, 2023, inirerekomenda ng Centers for Disease Control (CDC) sa:
- Mga edad 6 na taon pataas na magpaturok ng bivalent na booster na bakuna, kahit hindi ninyo natapos ang pangunahing serye ninyo ng mga dosis.
Mga Karagdagang Bakuna Laban sa COVID-19
Maaari kayong magpaturok ng karagdagang bivalent na bakuna kung:
- Edad 65 taon pataas kayo.
- Maghintay ng 4 na buwan pagkatapos magpaturok ng huli ninyong bivalent na bakuna.
- Edad 6 na buwan pataas kayo na may mahinang resistensya.
- Para sa mga edad 4 na taon pataas, maghintay ng 2 buwan pagkatapos magpaturok ng huli ninyong bivalent na bakuna.
- Para sa mga edad 6 na buwan hanggang 4 na taon, makipag-usap sa inyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider, PCP) tungkol sa kung kailan magpapaturok ng inyong susunod na dosis.
Kung mayroon kayong kahit anong tanong, makipag-usap sa inyong PCP. Bisitahin ang Centers for Disease Control (CDC) at California Department of Public Health (CDPH) para sa iba pang impormasyon.
Ano ang bivalent (dalawang strain) na booster?
Higit na mapoprotektahan kayo ng na-update na bivalent na booster laban sa COVID-19.
Ang mga booster na bakunang ito ay “bivalent” (may dalawang strain). Pinoprotektahan kayo nito laban sa mga strain ng COVID-19 na aktibo kamakailan. Bisitahin ang California Department of Public Health (CDPH) para iba pang impormasyon tungkol sa bivalent na booster na bakuna laban sa COVID-19.
Bisitahin ang SFDPH upang manatiling updated sa impormasyon sa COVID-19 sa San Francisco.
Bumiyahe Nang Libre Papunta sa Inyong Appointment sa Pagbabakuna Gamit ang Muni, Paratransit, Uber, o Lyft.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga libreng sakay, pakitingnan ang SFDPH.
Maaari ko bang kunin ang na-update (bivalent) na booster laban sa COVID-19?
Ang pagkuha ng na-update na bivalent na booster ay nakabatay sa:
• Iyong edad
at
• Kung kailan ka natapos sa iyong pangunahing bakuna, o iyong pinakabagong monovalent (orihinal) na booster laban sa COVID-19*
Pumunta sa website ng CDC upang malaman kung kailan mo maaaring makuha ang iyong booster. Makakatulong sa iyo ang tool na ito na malaman kung makakakuha ka o ang iyong anak ng 1 o higit pang booster laban sa COVID-19 o kung kailan kayo makakakuha nito.
*Upang makakuha ng bivalent na booster, dapat ay hindi bababa sa 2 buwan ang nakalipas mula noong huli kang nagpabakuna laban sa COVID-19. Kung nagkaroon ka ng COVID-19 kamakailan, maghintay nang 3 buwan bago magpaturok ng susunod na bakuna laban sa COVID-19 (pangunahing dosis o na-update na booster). Bilangin ang mga buwan mula noong nagsimula ang mga sintomas. O kung hindi ka nagkaroon ng mga sintomas, noong una kang nagpositibo sa pagsusuri.
Magbasa pa ng mga katotohanan tungkol sa booster at mga tanong at sagot tungkol sa booster mula sa California Department of Public Health (CDPH).
Matuto pa sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Bakuna Iaban sa COVID-19 – Mga Madalas Itanong
Pakibisita ang CDC para sa mga pinaka-up to date na sagot sa mga bakuna at booster laban sa COVID 19.
Libre ba ang mga bakuna laban sa COVID 19?
Oo. Maaari kang makakuha ng mga bakuna laban sa COVID 19 nang walang bayad.
Magbasa pa sa isang Fact Sheet ng Alamin ang Iyong Mga Karapatan sa Pangangalagang Pangkalusugan ng California.
Kailan ba ako up to date sa mga bakuna laban sa COVID 19?
Bisitahin ang CDC upang suriin kung gaano karaming dosis ang kakailanganin mo upang maging pinaka-up to date sa mga bakuna laban sa COVID 19. Nakabatay ang dami ng makukuha mong dosis sa:
- Iyong edad
- Kung ikaw ay immunocompromised (may mahinang immune system)
- Anong uri ng bakuna ang nakuha mo
Ano ang pagkakaiba ng “mga dosis ng booster” sa “mga karagdagang dosis para sa mga taong may mahihinang immune system”
Ang dosis ng booster ay isang dosis ng bakuna na kailangan kapag humina ang iyong immune system laban sa COVID 19 sa paglipas ng panahon. Ang mga dosis ng booster ay karaniwan at normal na bahagi ng serye ng bakuna.
Kailangan ng karagdagang dosis para sa mga taong may mahihinang resistensya bilang bahagi ng kanilang normal na serye ng bakuna. Nag-aalok ito ng dagdag na tulong sa kanilang immune system.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Booster at Mga Karagdagang Dosis, tingnan ang California Department of Public Health (CDPH).
Ano ang Long COVID o Post-COVID?
Ang mga taong nagkaroon ng COVID 19 ay maaaring makaramdam ng pangmatagalang epekto, na kilala bilang Long COVID o Post-COVID na Kondisyon (PCC). Mahalagang protektahan pa rin ang iyong sarili hangga’t makakaya mo, gaya ng pagsusuot ng mga mask sa matataong lugar. Kahit na nagkaroon ka noon ng COVID 19, gawin ang iyong makakaya upang hindi na muling magkasakit upang maiwasan ang anumang Long COVID 19 na sintomas. Matuto pa tungkol sa Long COVID 19 sa CDC.
Ligtas ba ang bakuna laban sa COVID-19?
Ligtas at mabisa ang mga bakuna laban sa COVID-19. Milyon-milyong tao na sa United States ang nakatanggap ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa ilalim ng pinakamaigting na pagsubaybay sa kaligtasan sa kasaysayan ng U.S. Inirerekomenda ng CDC na kumuha ka ng bakuna laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon na maging kwalipikado ka. Makikita rito ang higit pang impormasyon tungkol sa kaligtasan ng bakuna.
Maaapektuhan ba ng bakuna laban sa COVID-19 ang aking araw-araw na buhay?
Pagkatapos magpabakuna, maaaring magkaroon ka ng ilang side effect, na mga karaniwang senyales na bumubuo ng proteksyon ang iyong katawan. Ang mga pinakakaraniwang side effect ay pananakit at pamamaga sa braso kung saan ka tinurukan. Maaari ka ring makaranas ng lagnat, panginginig, at pananakit ng ulo. Maaaring maapektuhan ng mga side effect na ito ang iyong kakayahang gumawa ng mga pang-araw-araw na aktibidad, ngunit dapat ding mawala ang mga ito sa loob ng ilang araw. Matuto pa tungkol sa kung ano ang dapat asahan pagkatapos makatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Magkakaroon ba ako ng allergic reaction sa bakuna laban sa COVID-19?
Napakabihirang mangyari ang mga matinding allergic reaction. Maaari mong malaman ang tungkol sa mga allergic reaction dito.
Katatapos ko lang magkaroon ng COVID-19, dapat ba akong magpabakuna?
Oo, dapat kang magpabakuna kahit na katatapos mo lang magkaroon ng COVID-19.
Ang pagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19 pagkatapos bumuti ng iyong pakiramdam ay nagbibigay pa rin ng higit pang proteksyon laban sa COVID-19. Maghintay nang 3 buwan mula nang magsimula ang iyong mga sintomas o, kung wala kang sintomas, kung kailan ka nagpositibo
Ang mga taong nagkaroon ng COVID-19 at hindi mababakunahan ay malamang na magkaroon ulit ng COVID-19 kaysa sa mga nabakunahan.
Gaano katagal bago makakuha ng bakuna laban sa COVID-19?
Ang pag-iskedyul ng bakuna ay tumatagal lang nang ilang minuto. Aabutin nang halos kalahating oras ang appointment.
Kung may mga tanong ka tungkol sa kalusugan, mangyaring tumawag sa alinman sa mga sumusunod:
- Ang Iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider, PCP). Ang iyong PCP ay ang doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan. Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng numero ng iyong PCP, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800.
- 24/7 na Linya para sa Tulong ng Nurse ng SFHP sa 1(877) 977-3397.
- 24/7 Teladoc upang makipag-usap sa isang doktor sa telepono o video. Matuto pa sa teladoc.com/sfhp o 1(800) 835-2362.
Paano ako gagawa ng appointment para sa bakuna laban sa COVID-19?
Maraming paraan upang mag-iskedyul ng pagpapabakuna. Narito ang ilan:
- Tawagan ang iyong PCP upang malaman kung makakapagpabakuna ka sa iyong regular na ospital o klinika. Kung hindi, maaari kang makapagpabakuna sa ibang lugar sa parehong network. Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng numero ng iyong PCP, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800.
- Mag-book ng pagbisita online o maghanap ng walk-in na klinika na malapit sa iyo mula sa California Department of Public Health.
- Tingnan ang Lungsod at County ng San Francisco para sa mga site ng pagpapabakuna na may mga bukas na appointment.
- May mga appointment sa CVS at Walgreen. Maaari kang mag-iskedyul online o tumawag.
Maaari ba akong magsama ng kapamilya o miyembro ng sambahayan upang kasabay kong magpabakuna?
Kung maaari ding magpabakuna ang iyong pamilya o miyembro ng sambahayan at makakapunta sa parehong site, maaari mong subukang magpa-appointment malapit sa parehong oras upang makapunta kayo nang sabay.
Kakailanganin ko bang magbigay ng anumang personal na impormasyon upang makapagpabakuna?
Kakailanganin mong ibigay ang iyong pangalan, kaarawan, numero ng ID ng planong pangkalusugan, at address upang iiskedyul ang pagpapabakuna. Kung hindi mo alam ang numero ng ID ng iyong planong pangkalusugan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800 upang makatulong kami sa paghahanap nito para sa iyo.
Kakailanganin ko bang ibigay ang aking Social Security Number upang maiskedyul ang bakuna?
Hindi mo kakailanganing ibigay ang iyong social security number upang maiskedyul ang bakuna. Nasa San Francisco Health Plan at iyong PCP ang numero. Titingnan ito ng lugar kung saan ka magpapabakuna kapag binakunahan ka nila.
Pagsusuri at Paggamot
Mga Test to Treat Site
Kung sa palagay mo ay mayroon kang COVID-19, bisitahin ang isa sa mga bagong Test to Treat site. Maaari nilang suriin kung mayroon kang COVID-19. Kung magpopositibo ka, maaari ka nilang bigyan ng gamot kung kwalipikado ka.
Bumisita sa isang site sa sandaling magsimula kang magkaroon ng mga sintomas. Dapat isagawa ang paggamot sa loob ng unang 5 araw ng pagkakasakit o pagpopositibo para sa COVID-19.
Tumingin pa ng impormasyon sa Test to Treat.
Maghanap ng Test to Treat site gamit ang mapang ito.
Pagsusuri sa Bahay
Maaari kang kumuha ng 8 pagsusuri para sa COVID-19kada buwan sa iyong lokal na parmasya. Libre ang mga test kit. Dalhin ang iyong insurance card sa parmasya at humingi ng mga test kit para sa COVID-19.
Paggamot
Maraming tao ang kwalipikado para sa mga paggamot para sa COVID-19. Kung magkakaroon ka ng COVID-19 at mayroon kang ilang partikular na isyu sa kalusugan, maaari kang makakuha ng paggamot. Pakitawagan ang iyong provider sa sandaling magsimula kang magkaroon ng mga sintomas o magpositibo ka para sa COVID-19.
Ang mga paggamot para sa COVID-19 ay maaaring nasa anyo ng pill, bakuna, o infusion. Ang Paxlovid™ (nirmatrelvir na may ritonavir) at Lagevrio™ (molnupiravir) ay mga pill na iniinom. Ang Veklury® (remdesivir) ay isang paggamot na inilalagay sa ugat (IV).
Upang makakuha ng paggamot, pakitawagan ang iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan. O, maghanap ng Test to Treat site sa sandaling magkaroon ka ng mga sintomas o magpositibo ka para sa COVID-19.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga paggamot para sa COVID-19, pakibisita ang CDPH pakibisita ang CDC.
Mga Video
Starr Knight, MD, sa Mga Bakuna Laban sa COVID-19
Jonathan Butler, PhD, sa Mga Bakuna Laban sa COVID-19
Si Joanna Yee sa Mga Bakuna Laban sa COVID-19
Magpabakuna! Ngayon na Ang Panahon!
Magpabakuna, San Francisco!
Si Jack, 99 na taong gulang na San Franciscan, ay Magpapabakuna Laban sa COVID-19
Pagpapasalamat ng IHSS at Mensahe Hinggil sa Bakuna mula kay Alkalde London Breed
Bakuna Laban sa COVID-19 – Mga Impormasyon (Vaccinate All 58)
Bakuna Laban sa COVID-19: Mga Side Effect, Pamamahagi at Pagkakaiba-iba