COVID Testing and Treatment Blog

Mga Test to Treat Site

Kung sa palagay mo ay mayroon kang COVID-19, bisitahin ang isa sa mga bagong Test to Treat site. Maaari nilang suriin kung mayroon kang COVID-19. Kung magpopositibo ka, maaari ka nilang bigyan ng gamot kung kwalipikado ka.

Bumisita sa isang site sa sandaling magsimula kang magkaroon ng mga sintomas. Dapat isagawa ang paggamot sa loob ng unang 5 araw ng pagkakasakit o pagpopositibo para sa COVID-19.

Tumingin pa ng impormasyon sa Test to Treat.

Maghanap ng Test to Treat site gamit ang mapang ito.

Pagsusuri sa Bahay

Maaari kang kumuha ng 8 pagsusuri para sa COVID-19kada buwan sa iyong lokal na parmasya. Libre ang mga test kit. Dalhin ang iyong insurance card sa parmasya at humingi ng mga test kit para sa COVID-19.

Paggamot

Maraming tao ang kwalipikado para sa mga paggamot para sa COVID-19. Kung magkakaroon ka ng COVID-19 at mayroon kang ilang partikular na isyu sa kalusugan, maaari kang makakuha ng paggamot. Pakitawagan ang iyong provider sa sandaling magsimula kang magkaroon ng mga sintomas o magpositibo ka para sa COVID-19.

Ang mga paggamot para sa COVID-19 ay maaaring nasa anyo ng pill, bakuna, o infusion. Ang Paxlovid™ (nirmatrelvir na may ritonavir) at Lagevrio™ (molnupiravir) ay mga pill na iniinom. Ang Veklury® (remdesivir) at bebtelovimab ay mga paggamot na itinuturok sa ugat (IV) o sa kalamnan (IM).

Upang makakuha ng paggamot, pakitawagan ang iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan. O, maghanap ng Test to Treat site sa sandaling magkaroon ka ng mga sintomas o magpositibo ka para sa COVID-19.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga paggamot para sa COVID-19, pakibisita ang CDPH pakibisita ang CDC.