
Suportang pangkalusugan para sa iyong mga anak mula sa kapanganakan hanggang sa edad na 21 taong gulang
Kung nakatala ang iyong anak sa Medi-Cal, kwalipikado siya para sa mga libreng serbisyo at suportang pangkalusugan mula sa kapanganakan hanggang sa edad na 21 taong gulang. Kasama rito ang mga pagpapatingin, bakuna, screening ng kalusugan, at pagpapagamot para sa mga problema sa kalusugan ng katawan, pag-iisip, at ngipin.
Maaari ka pang makakuha ng libreng transportasyon papunta sa mga medikal na appointment para sa mga bata at tinedyer.
Mahalagang dalhin ang iyong anak sa mga regular na pagpapatingin kahit na wala siyang sakit. Makakatulong ang mga regular na pagpapatingin na mapanatiling malusog ang iyong anak. Sa pamamagitan ng mga ito, maaaring mapigilan ang mga problema sa kalusugan at malaman nang maaga ang anumang isyu.
Kasama sa pangangalagang saklaw ng Medi-Cal ang:
- Mga serbisyo sa kalusugan ng katawan, kabilang ang pangunahing pangangalaga at mga pagpapatingin sa espesyalista
- Paggamot sa kalusugan ng pag-iisip at paggamit ng substance (ipinagbabawal na gamot at alak), kabilang ang therapy
- Mga pagpapatingin sa ngipin at follow-up na serbisyo
- Mga serbisyo sa paningin, kabilang ang mga salamin sa mata
- Paggamot para sa mga impeksyong naipapasa sa pakikipagtalik (sexually transmitted infection, STI)
- Mga pagsusuri sa laboratoryo at pagsusuri ng dugo
- Lahat ng iba pang kinakailangang serbisyo na mapagpapasyahan ng provider ng iyong anak
Matuto pa sa Medi-Cal para Mga Bata at Medi-Cal para sa Mga Tinedyer. Tingnan ang Iyong Gabay sa Mga Medikal na Karapatan para sa higit pang impormasyon.
Makakuha ng $50 na gift card sa koreo para sa mga well-child visit ng iyong sanggol
Pagkatapos mong dalhin ang iyong anak upang makakuha ng 6 o higit pang well-child visit sa loob ng unang 15 buwan ng buhay ng iyong anak, awtomatiko kang makakakuha ng $50 na gift card sa koreo.
Hindi mo kailangang magsagot ng anumang form. Ipapadala sa iyo ang gift card sa pamamagitan ng koreo pagkatapos ng 5 linggo. Kung hindi mo matatanggap ang iyong gift card pagkatapos ng 5 linggo, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800 o sa 1(800) 288-5555 (toll free) o sa 1(415) 547-7830 (TTY). Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
Maaari kang matuto pa tungkol sa insentibo sa well-child visit dito!
Upang planuhin ang pagpapatingin ng iyong anak, tumawag sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (primary care provider, PCP) o tumawag sa Linya ng Tulong para sa Miyembro ng Medi-Cal sa 1(800)541-5555, TDD 1(800)430-7077.
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Mga Serbisyong May Pahintulot ng Menor de Edad
Kung ikaw ay wala pang edad na 18 taong gulang, maaari kang makatanggap ng ilang serbisyo nang walang pahintulot ng magulang o tagapag-alaga. Ang mga serbisyong ito ay tinatawag na “mga serbisyong may pahintulot ng menor de edad.” Maaaring makipag-usap nang pribado ang mga menor de edad sa isang tao tungkol sa kanilang mga alalahanin sa kalusugan sa pamamagitan ng pagtawag sa 24/7 na Linya ng Pagpapayo ng Nars sa SFHP sa 1(877) 977-3397. O maaari mong gamitin ang Teladoc® para sa pagpapatingin sa pamamagitan ng telepono o video sa isang doktor sa 1(800) 835-2362 o nang online.