Ang iyong gabay sa pagbabakuna para sa mga mas nakakatandang miyembro ng pamilya

Ang mga bakuna ay ang isa sa pinakamahuhusay na paraan upang maprotektahan ang iyong sarili at ang pamilya mo mula sa mga sakit. Kapag mas maraming tao ang nababakunahan, nakakatulong ito sa pagpigil ng pagkalat ng mga sakit at pinapanatili nitong mas ligtas ang lahat.

Mga Bakuna para sa mga Tinedyer (13-18 Taon)

Kailangan din ng mga tinedyer ng mga bakuna, para manatiling malusog habang lumalaki sila:

  • COVID-19: Nagbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19.
  • Human Papillomavirus (HPV): Nagbibigay ng proteksyon laban sa HPV, na maaaring maging sanhi ng ilang partikular na kanser tulad ng kanser sa cervix.
  • Influenza (Trangkaso): Ibinibigay bawat taon para magbigay ng proteksyon laban sa trangkaso.
  • Meningococcal (MenACWY): Nagbibigay ng proteksyon laban sa meningitis (impeksiyon sa utak at gulugod).

Mga Bakuna para sa mga Nasa Hustong Gulang

Kailangan ng mga nasa hustong gulang ng mga bakuna upang manatiling protektado:

  • COVID-19: Nagbibigay ng proteksyon laban sa COVID-19.
  • Influenza (Trangkaso): Ibinibigay bawat taon para magbigay ng proteksyon laban sa trangkaso.
  • Pneumococcal (PPSV23): Nagbibigay ng proteksyon laban sa pneumonia.
  • Shingles (Zoster): Nagbibigay ng proteksyon laban sa shingles, na kadalasan ay para sa mga taong 50 taong gulang at mas matanda.
  • Tetanus, Dephtheria, at Acellular Pertussis (Tdap): Isang booster shot na nagbibigay ng proteksyon laban sa tetanus, diphtheria, at tusperina.

Makipag-usap sa Iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP)

Mahalagang makipag-usap sa iyong PCP tungkol sa kung aling mga bakuna ang kailangan mo at kung kailan ka dapat kumuha ng mga ito. Makakatulong sila sa iyo at sa pamilya mo na manatiling napapanahon sa mga iniksyon.

Hindi mo kailangan ng paunang pag-apruba. Sinasaklawan ng SFHP ang lahat ng bakuna inirerekomendang ng Komite sa Pagpapayo sa Mga Kagawian sa Pagbabakuna (Advisory Committee on Immunization Practices, ACIP).

Maaari kang pumunta sa cdc.gov para matuto pa tungkol sa mga inirerekomendang bakuna para sa mga bata, kabataan, at nasa hustong gulang.

 Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Para sa higit pang impormasyon, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o 1(888) 883-7347 (TTY), Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.