Tiyaking up-to-date ang iyong impormasyon.
Sakop ng Medi-Cal ang mga mahahalagang serbisyo ng pangangalaga sa kalusugan para sa iyo at sa iyong pamilya, kabilang na ang mga pagpunta sa doktor, mga reseta sa gamot, mga pagpapabakuna, pangangalaga sa pangkaisipang kalusugan, at marami pang iba. Kaya kung mayroon kang Medi-Cal, siguraduhing i-renew ito kapag panahon na.
I-update ang iyong contact information
I-report ang anumang mga bagong pagbabago sa iyong pangalan, address, telepono, at email address para makontak ka ng iyong county.
Tingnan ang iyong mail
Ang mga county ay magpapadala sa iyo ng sulat tungkol sa iyong Medi-Cal eligibility. Maaaring kailangan mong magkompleto ng isang renewal form. Kung pinadalhan ka ng isang renewal form, ipadala ang iyong impormasyon sa mail, telepono, nang personal, o online, para hindi ka mawalan ng coverage.
Gumawa ng online account o tingnan ang iyong account
Maaari kang mag-sign up upang makakuha ng alerts tungkol sa iyong kaso. Gumawa ng account upang makuha ang alerts na ito o mag-login sa iyong account. Maaari mong ipadala online ang mga renewal o hinihiling na impormasyon.
Kumpletohin ang iyong renewal form (kung nakakuha ka nito)
Kung nakatanggap ka ng isang renewal form, ipadala ang iyong impormasyon sa mail, telepono, nang personal, o online, upang makatulong na maiwasan ang gap sa iyong coverage.
Kung mayroon kayong anumang tanong o kailangan ninyo ng tulong sa pag-access sa inyong coverage sa Medi-Cal, o kung itinigil na ang inyong Medi-Cal, mangyaring makipag-ugnayan sa Opisina ng San Francisco Medi-Cal sa 1(855) 355-5757 (toll-free).
Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon, tingnan ang aming FAQ na seksyon para sa mga sagot sa sfhp.org/renew.