I-access ang Mga Serbisyo sa Iyong Network ng Pangangalaga

Kilalanin ang Iyong Network ng Pangangalaga sa SFHP. Ang sama-samang pagtatrabaho ng iyong mga doktor, medikal na assistant, tagapayo, at tagapagturo sa kalusugan para sa iyo.

Iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP)

Ang iyong unang point of contact sa mga pangangailangan sa hindi pang-emergency na regular at agarang pangangalaga. Tumawag sa tanggapan ng iyong PCP’ anumang oras, sa araw o gabi, upang makahingi ng medikal na payo. Dapat kang makakuha ng appointment para sa agarang pangangalaga ng PCP sa loob ng 48 oras mula nang humiling ka nito. Nakalista ang numero ng telepono ng iyong PCP’ sa Member ID Card mo.

Parmasya

Kapag kailangan mo ng gamot o mga bakuna para sa nasa hustong gulang, irereseta ito ng iyong PCP. Ipadadala ng iyong PCP ang iyong reseta sa parmasyang nasa network na pipiliin mo. Ipakita ang iyong Member ID card sa tauhan ng parmasya upang makuha ang iyong mga gamot.

Mga Espesyalista

Ire-refer ka ng iyong PCP sa isang espesyalista kung kailangan mo ng payo o paggamot ng isang eksperto para sa isang partikular na problema o para humingi ng pangalawang opinyon tungkol sa iyong kalusugan.

Iyong Ospital/Emergency Room

Kapag pumili ka ng PCP, pinipili mo rin ang ospital at emergency room kung saan ka maaaring tumanggap ng pangangalaga.

Krisis sa Kalusugan ng Pag-iisip at Pag-abuso sa Substance

Makakuha ng referral sa isang provider ng pangangalaga sa kalusugan ng isip o tagapayo sa pag-abuso sa substance sa pamamagitan ng pagtawan sa 24/7 CBHS Access Helpline sa 1(415) 255-3737.

Teladoc® 24/7 Mga Pagkonsulta sa Doktor sa pamamagitan ng Telepono o Video

Kung hindi available ang iyong PCP sa panahong kailangan mo siya at gusto mong makahingi ng pangangalaga para sa mga simpleng medikal na problema, pumunta sa teladoc.com/sfhp, tumawag sa1(800) 835-2362, o i-download ang Teladoc smartphone app.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.