Medi-Cal Health Services for Children Ages 1-6

Ang mga pangkalusugang pagpapatingin na pang-iwas sa sakit ay nakakatulong na tiyaking mayroon ang iyong anak ng mga kinakailangang bakuna, at lumalaki at umuunlad siya gaya ng inaasahan. Available ang mga serbisyong ito sa pamamagitan ng Medi-Cal nang wala kang babayaran.

Makakatulong ang doktor ng iyong anak.

Kung ang iyong anak ay kailangan nang magpatingin sa kalusugan, hinihikayat ka naming tawagan ang Doktor ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Physician, PCP) ng iyong anak. Ang PCP ay ang doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor na nangangasiwa sa pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak.

Maaaring kasama sa mga pagpapatingin na ito ang mga bagay tulad ng pagsusuri sa taas at bigat ng iyong anak. Maaari ring suriin ng PCP ang mga problema sa paningin, pandinig, kalusugan ng isip, o mga gawi sa pagkain. Magkakaroon ka rin ng pagkakataon na magtanong ng anumang bagay tungkol sa pag-uugali o paglaki ng iyong anak.

Maaaring sabihin sa iyo ng Doktor ng Pangunahing Pangangalaga kung kailangan ng iyong anak ng mga bakuna upang maiwasan ang malubhang sakit. Nakakatulong din ang mga bakuna na protektahan ang kalusugan ng ating komunidad, lalo na ang mga taong hindi makapagpabakuna.

Ang mga pagpapatingin na ito ay maaari ring may pagsusuri para sa pagkalason sa lead at iba pang problema. Maaaring kailangan ng mga batang 6 na taong gulang pababa ng pagsusuri para sa lead sa dugo, lalo na sa 12 at 24 na buwang gulang. Ang pagsusuri para sa matataas na antas ng lead ay makakatulong na mahanap ang mga pinagmumulan ng lead. Makakatulong din ito na protektahan ang iba sa komunidad.

Kasama sa Mga Iminumungkahing Bakuna para sa Mga Batang Wala pang 7 Taong Gulang ang:

  • Influenza (flu)
  • Hepatitis B
  • Haemophilus influenzae type B
  • Pneumococcal vaccine
  • Measles, mumps, & rubella (MMR)
  • Hepatitis A
  • Diptheria, tetanus, & acellular pertussis (DTaP)
  • Pneumococcal conjugate
  • Inactivated poliovirus (polio)
  • Varicella

Maaaring sabihin sa iyo ng iyong PCP kung maaari kang magpatingin sa telepono o kung dapat pumunta ang iyong anak para sa pagpapatingin.