Diabetes Awareness Month

Alam mo bang ang pangangalaga para sa diabetes ay isang benepisyo ng Medi-Cal?
Panghabang-buhay na kundisyon ang diabetes. Sa pamamagitan ng pagkilos, makakapamuhay ka nang malusog at matutulungan kang maiwasan ang mga kumplikasyon ng diabetes. Ang pinakamabuting paraan ng pangangalaga ng iyong sarili kapag may diabetes ka ay ang pakikipagtulungan sa iyong team sa pangangalaga ng kalusugan para mapanatiling nasa malusog na antas ang iyong blood sugar, presyon ng dugo at kolesterol.

Mahalaga ang mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay. Kahit ang maliliit na pagbabago ay makakagawa ng malaking pagkakaiba sa pagtulong sa iyong pamahalaan ang blood sugar mo, manatiling malusog, at pigilan ang mga kumplikasyon ng diabetes.

Narito ang pitong hakbang na magagawa mo para makontrol ang iyong diabetes:

  1. Maging mas pisikal na aktibo.
  2. Manatili sa malusog na timbang at pumili ng masusustansyang pagkain.
  3. Tumigil sa paninigarilyo.
  4. Uminom ng tamang gamot para sa diabetes.
  5. Sumailalim sa lahat ng iyong screening test.
  6. Pangalagaan ang iyong mga nararamdaman.
  7. Gumawa ng plano ng pagkilos.

Pigilan ang Diabetes Bago Ito Magsimula!
Sa Programang Pang-iwas sa Diabetes mula sa SFHP at YMCA
Ang Programang Pang-iwas sa Diabetes ng San Francisco Health Plan ay isang programa sa pagbabago ng paraan sa pamumuhay para sa mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang o mas matanda na sobra sa timbang at nasa matinding panganib na magkaroon ng type 2 diabetes. Sinusuportahan ng programa ang mga kalahok na maabot ang mas malusog na timbang at magkaroon ng aktibong paraan ng pamumuhay para mabawasan ang panganib ng diabetes. Ang program ay sinusuportahan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at gumagamit ng kurikulum na inaprubahan ng CDC.

Matuto pa »