Men's Health Awareness - English

Kalalakihan: Pangasiwaan ang Inyong Kalusugan

Kailangang mas pagtuunan ng karamihan sa kalalakihan ang kanilang kalusugan. Ang magandang balita ay maaari kang magsimula sa paggawa ng mga hakbang upang mapabuti ang iyong kalusugan ngayon!

Paano ko mapapangasiwaan ang aking kalusugan?

Magpatingin sa isang doktor para sa mga regular na checkup kahit na sa palagay mo ay malusog ka. Mahalaga ito dahil walang sintomas sa simula ang ilang sakit at kundisyon sa kalusugan. Isa pa, ang pagpapatingin sa isang doktor ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na matuto pa tungkol sa iyong kalusugan.

Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin upang alagaan ang iyong kalusugan:

  • Kumain ng masustansya at maging aktibo.
  • IKung umiinom ka ng alak, uminom lang nang katamtaman.
  • Tumigil sa paninigarilyo.
  • Alamin ang kasaysayan sa kalusugan ng iyong pamilya.
  • Sumailalim sa mga screening na pagsusuri upang masuri ang mga problema sa kalusugan bago ka magkaroon ng mga sintomas.
  • Tiyaking updated ka sa iyong mga bakuna.

Source:
https://healthfinder.gov/healthtopics/category/everyday-healthy-living/sexual-health/men-take-charge-of-your-health