Screening para sa depresyon para sa mga problema sa kalusugan ng isip

Ang depresyon ay higit pa sa pakiramdam na malungkot o masama ang araw. Kapag ang malungkot na pakiramdam ay nagtatagal at nakakaapekto na sa normal na pagkilos mo araw-araw, posibleng nade-depress ka na.

Ang Ilang Sintomas ng Depresyon ay:

  • Madalas na kalungkutan o pagkabalisa
  • Pagkain nang mas marami o mas kaunti kaysa sa kadalasan
  • Pagtulog nang kulang o nang sobra
  • Pakiramdam na walang kwenta o may kasalanan
  • Pag-iisip na saktan ang sarili mo

Mga Resource para sa Tulong

Puwedeng mabawasan ng pag-eehersisyo ang pag-aalala o depresyon. Kausapin ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider o PCP) para malaman kung anong uri ng ehersisyo ang ligtas para sa iyo. Ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Makakahanap ka ng mga libre at murang klase sa fitness sa Mga Klase sa Kalusugan at Wellness ng SFHP.

Matuto ng mga tip sa pag-eehersisyo at kung paano makakatulong sa iyo ang pananatiling aktibo sa Fact Sheet ng Pisikal na Aktibidad.

Carelon Behavioral Health

Kung mayroon kang Medi-Cal, makakakuha ka ng pangangalaga sa kalusugan ng isip nang walang bayad sa Carelon Behavioral Health.

Matatawagan ka ng isang Espesyalista sa Kalusugan ng Pag-uugali sa loob ng 48 oras para magsagawa ng screening ng kalusugan ng isip. Ang screening ay makakatulong sa iyo na malaman ang tungkol sa mga paggamot para sa depression. Hindi mo kailangan ng referral. Tumawag sa 1(855) 371-8117 para matuto pa o magpa-appointment.

24/7 Teladoc

Puwede mong gamitin ang Teladoc para makipag-usap sa isang doktor 24/7 sa telepono, smartphone app, o video. Ang Teladoc ay libre at makakakuha ka ng pangangalaga mula sa doktor para sa mga problemang hindi pang-emergency. Matuto pa sa sfhp.org/teladoc o tumawag sa 1(800) 835-2362.

988 Suicide and Crisis Lifeline

Tandaan, hindi ka nag iisa. Kung iniisip mong magpakamatay, tumawag sa 988 para sa 24/7 Suicide and Crisis Lifeline.

Maaari ka ring makipag chat online sa 988lifeline.org/chat o text 988 sa 988. . Ito ay libre at kumpidensyal. Kakausapin ka ng isang bihasa at sinanay na crisis worker, magbibigay siya ng suporta, at magbahagi ng mga resource na puwedeng makatulong. Hindi kailangang suicidal ka para tumawag. Puwedeng mga dahilan ng pagtawag ang:

  • Paggamit ng substance
  • Mga problema sa pera
  • Mga relasyon
  • Sekswal na pagkakakilanlan
  • Sakit
  • Pagbangon mula sa pang-aabuso
  • Depresyon at sakit sa pag-iisip
  • Kalungkutan

Para sa Spanish, tumawag sa 1(800) 628-9454. Para sa Mga Gumagamit ng TTY: Gamitin ang iyong piniling serbisyo ng relay o i-dial ang 711 at pagkatapos ay 988. Humingi ng suporta kapag kailangan mo ito.

CalHOPE Connect

Puwede kang tumawag sa CalHOPE Connect na nag-aalok ng ligtas na suporta mula sa isang taong nagsasalita ng iyong wika. Mabibigyan ka ng isang peer o mental health worker ng suporta sa:

  • Stress
  • Pagkabalisa
  • Depresyon

Pinoprotektahan ng CalHOPE ang iyong impormasyon. Hindi nila kakailanganin ang iyong buong pangalan o apelyido, address, o numero ng telepono. Puwede kang mag-chat online o tumawag sa CalHOPE 24/7 warmline sa 1(833) 317-4673.