Walang insentibo sa pananalapi ang proseso ng UM, direkta o hindi direkta, para maimpluwensiyahan ang mga pagpaapasya sa pamamahala ng paggamit.

Ang mga nurse, medikal na doktor, iba pang propesyonal na provider, at independiyenteng medikal na consultant na gagawa ng mga serbisyo sa pagsusuri sa paggamit para sa SFHP ay hindi babayaran o bibigyan ng insentibo batay sa kanilang mga pasya sa pagsusuri sa saklaw.

Hindi partikular na binibigyan ng gantimpala o pinansyal na insentibo ng SFHP ang mga indibidwal na gumagawa ng mga serbisyo sa pagsusuri sa paggamit para sa pagbibigay ng mga pagtanggi sa saklaw. Walang mga pinansyal na insentibo para sa tauhan ng UM o mga independiyenteng medikal na consultant upang manghikayat ng mga pasya sa pagsusuri sa paggamit na magreresulta sa kakulangan ng paggamit.

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pagsusuri sa paggamit, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800 o 1(800) 288-5555 (toll-free), o para sa may problema sa pandinig, tumawag sa 1(415) 547-7830 o 1(888) 883-7347 (TDD), Lunes–Biyernes, mula 8:30am hanggang 5:30pm. Available ang mga serbisyo sa wika, nang libre, sa mga miyembro ng Medi-Cal at Healthy Workers HMO na nangangailangan ng tulong sa wika.

Pagkatapos ng mga oras ng trabaho, maaaring tumanggap ang tauhan ng UM ng secure na voicemail, fax, at email. Tutugon ang tauhan ng UM sa mga mensahe sa susunod na araw ng trabaho. Kung natanggap ang mensahe pagkatapos ng hatinggabi nang Lunes hanggang Biyernes, tutugon ang mga tauhan sa parehong araw ng trabaho.